Thursday, November 27, 2008
7:05 PM
kring! kring!


"Nakikita mo ba ang langit?" Tinext ako ng Kuya ko. I knew it! Nakita ko siya nung Monday at Tuesday pa. During twilight. Jupiter and Venus. Sobrang ganda. Don't miss it.

And on December 1, triple conjunction with a crescent moon with Earthshine. It will be grand!

Spectacular Conjunction page from NASA


I know. Continuation 'to nung Halloween Sky Show. I'm being reduced to posts like these. :))


Photo credit and copyright: Stephen O'Meara.

Labels: astronomy, conjunction, jupiter, pretty, venus

Wednesday, November 26, 2008
8:14 PM
kring! kring!

Shakespeare's Bit of Advice

“Think about yourself at least once in a lifetime,

Otherwise you might miss the best comedy in the world.”

—William Shakespeare

I'm beginning to believe what Shakespeare had said. Hahaha, narcissistic. No, really. It's true.

I have tons of homework and studying to do, I'll post something more next time.

Happy birthday to Kuya Pito.

Labels: mega busy, my best comedy, Shakespeare

Friday, November 14, 2008
11:44 PM
kring! kring!

Stupefied. Impulsive.

May kwento ako. Btw, I can call my first week the perfect school week yet. Basta, amazing teachers and classmates and environment and events and things to come. So, kwento. Classes ko pag TF hanggang 5:30pm. Tas hindi pa kami sinisipot nung 4-5:30pm Socsci class na yun ever. Kaya after class, pupunta nalang akong TriNoma kasi dun na lang kami susunduin ni Kuya. NagLRT1-LRT2 para mag-Gateway kasi matagal pa naman dadating parents ko. Mga one hour ako sa Fully Booked sa Gateway, pero wala akong nabili. Sabi namin ng Kuya ko, nakakalungkot magpunta sa bookstores ng wala kang money. Hahaha.

Mga 6pm, pupunta na ko dapat ng TriNoma by MRT. Tapos sa station, may guy na SUPER GWAPO na napansin ko nakatitig sa kin. Siguro mga kasing-tangkad niya si Sir Taf pero mas gwapo sa kanya kasi mas bata. Para siyang yung bishounen from manga stories na sobrang gwapo except siya in real life! Naka-Ateneo HS uniform siya. As in antagal niyang nakatingin sa kin - at ako sa kanya. Ang weird nga eh. Iniisip ko kasi kung kilala ko siya from somewhere. Tapos after mga two minutes siguro (grabe!) umalis na siya kasi nauna siya line. E starstruck stunned pa ako(or something to that sort), kaya hinabol ko siya. As in. Nakita ko siya sa escalator so sinundan ko. Tapos lumingon pa siya ulit sa kin. Tapos, pag-akyat nya sakto andun na yung train. At ako, hindi ko inabutan. So pag-alis nung train, bewildered pa ko. Sino kaya yun? My mind was spinning with questions.

Tapos, after mga five minutes ko lang napansin, nasa other side yung Araneta Coliseum. Eh northbound ako dapat. Pero hindi ako sure. So muntik na kong sumakay dun sa next train, pero thought better na magtanong nalang sa baba. So lumipat ako, umakyat sa isang escalator - hindi ko nanaman napansin yung sign. Kaya paglipat ko, hindi pa rin ako sure. Parang DAZED pa rin ako. So finallly, nagtanong na rin ako sa isang lady kung tama bang northbound yung train na yun. Whew, tama na.

Pagdating na ng TriNoma ko narealize kung ano yung nangyari sa kin. Muntik ko nang sundan yung guy na yun hanggang Taft siguro, kung inabutan ko rin yung train. WITHOUT REALIZING IT. As in ang impulsive nung pagsunod ko sa kanya. Parang I saw nothing else - kahit yung Taft or Monumento sign. Waaah, grabe. Imagination ko lang ba yun? To that extent? Weird.
._____________.

TriNoma. Fun with family. Shopping. DQ. Switchfoooot - The Best Yet. :)

Labels: dazed, switchfooooot, train, weird guy

Wednesday, November 12, 2008
9:48 PM
kring! kring!

Karina's Anatomy

iMed is being consistently enjoyable and exciting and companionable for two days now. First time atang umabot talaga ng three hours ang NSTP. Grabe, hindi nauubos guests namin. Yung iba head at chief nurses sa PGH, at yung isa rep ng GK at si sir Ian. Hahaha.

In short, magiging utusan/alila kami for NSTP this sem. Grunts. Nobodies. Bottom of the medical food chain. As the interns Grey, Yang, Stevens, etc. were in Grey's Anatomy. Pinipilit na naman nina Albert at Ian ang Karina's Anatomy kaninang umaga. Meron na rin dating Karina's Anatomy according to Ian Landrito. Iba pa yung boyfriends ko at that time. HAHAHA. Pisay people dati. Si Vien ata si Derek. At si Kyle si Finn. Si Aly si Addi. Hahaha. Ngayon, starring iMed daw eh. According sa specialties na gusto namin nila kunin. Si Mark Sloan si Albert, si Alex Karev si Vien (LOL), si Addison si Diana! Wah, kamusta naman, rivals kami ni Diana. For Derek Sheperd. Na si.. wait, nakalimutan ko. Hahaha. Hindi pa din nila naddecide sino si Finn. Hello? Wala namang magv-vet samin. XD Ayan. So magsstart na ang Karina's Anatomy this sem dahil simula na ng aming careers as medical alalays sa PGH - tagagawa ng cotton balls, tagabigay ng bed pans, tagatransport ng patients, at yes - eto gusto ko, at least makakahawak at makakapag-update kami ng charts ng pasyente.

Akala ko ako lang frustrated na hindi kami na-assign sa Cath Lab at MICU ng PGH para sa rotation. Nung nalaman ni Rob -- groupmates kami forever kasi Santos-Sarmiento -- nagwala at nagmura siya. Pramis. I-appeal daw namin. Tapos nag-aaway sila ni Mark (parati naman ata) kung bakit maganda ma-assign sa Cath Lab. Nagshrug lang si Mark tas tumawa kami. Mean. Hahaha. Eh kasi, hindi pa naman as if may matutunan na kaming medical procedure sa NSTP. Utusan nga lang gagawin samin eh. Pero, frustrated din ako kahit ganun. Dun pa sa pinakamagagandang labs kami hindi na-aasign. Gusto ko din makakita ng angioplasty! At mag-scrubs suit. HAHAHA. At makakita ng dugo. Joooke. Hahaha.

May buddy stuff na ko! Salamat Ate Yan-yan! Nasa Paz Men din ang 2014 kanina. :P Ngayon, wala na kong reason para hindi mag-aral. Bagong sem, bagong buhay.

Labels: Grey's Anatomy, imed, NSTP

Tuesday, November 11, 2008
8:14 PM
kring! kring!


This is the PERFECT PERFECT day! Kahit binagyo ang iMed. Hahaha. iMed love. Blk 14 love. Bio 22 love. Comm 3 love. Chem 14 love. Hahaha. Lahat na.

Amaziiiiing first day! 7am na naman class ko. Bio 22. Sa RH, may naaninag akong yellow mustard tablecloth skirt, at polo shirt at pants. Naka-Pisay uniform sina HJ at Rob. Wenk. Hintay. May kwento si Albert - nasprain both feet ng mum nya. :)) Hintay ulit. Dumating si Angelica - galit na galit kay Kiko. :P

Hintay pa rin. Nung una, may umaaligid-aligid na people, habang nagkaklase na yung Blk 13. Isang mabata-batang girl - mga Mam Rodriguez type. At isang mala-Sir Taf kaso mas mukhang estudyante; kumpleto with messenger bag at six pocket pants. Hahaha.

"Yan siguro yung teacher natin!"
"Yay! Gusto ko ng Sir Taf na teacher! Gusto ko ng Sir Taf!"
"Hindi no, mashadong bata. Mukha mashadong student!"
"Ayun! Yung mukhang Mam Docto-Mam Cheng fusion."
"Oh no. JDLR take two."

At tama si Albert, yung Bio lab teacher namin ay yung middle-aged Mam Docto-Mam Cheng fusion person. Bagong teacher siya, at mabait siya. Inaway nya si Mujer sa kanyang smiley/question mark. Natatawa siya sa sarili nyang jokes. Hahaha. At mukhang magtuturo naman siya. Hooray! :)) Dismissed after twenty minutes.

MSU. Tas nanood kami ng Tru Blood after kina Zim. Disturbing.

Tapos! Comm 3! Laugh trip. Super. May homework na kami agad, 5 x 8 index card na may id pic. Sabi ni Jimpo, pano daw kapag late nagpass ng ID pic. Sabi nya, "Edi unfair naman sa mga on-time nagpass. Dapat may consequence." Pag one meeting late, 2x2 na. Tas two meetings, 3x3 ID pic, and so on. Tapos nagpakita siya ng mga index card na may nakakabit na pictures na kasinlaki ng kalendaryo! OMG. LOL. Tawa kami ng tawa kasi mukhang may collection na siya ng calendar-sized pictures - yung mga end of sem na nagpass. Grabe. I soooo like her. Nag-eexude yung English-speaking prowess nya. Nakaka-excite mag-Comm3, kaso nakakatakot din kasi I suck at public speeches, at mukhang magaling talaga siya.

Paz Mendoza. Walang Math 100. Tapos, nag-AA uniform na rin si Maika, at nag-Pisay uniform na rin si Jimpo. Fun fun fun time with Treng, Vien at Diosep. They're the MOST UNLIKELY OF THE MOST LIKELY PEOPLE with whom I'd spend time talking about.. life. Hahaha! Amazing. Super. Na-prove ko na I can read Vien's thoughts like an open book. I'm so galing. Hahaha. Amaziiing. I've never been more comfortable with iMed as a whole and with each one. And never been more comfortable in UP Manila. Magkasama naming sinugod ni Albert yung ulan gamit yung iisa kong payong, tas wala naman palang Socsci sa CAS. Nakausap ko si Rob about contacts and Pisay. Tinry ko payungan si Raph dahil wala siyang payong, without hesitating na ang FC ko. Kausap ko si Marj at Bab mula breakfast hanggang pauwi. May nalaman akong bagong daan sa loob ng PGH kasama sina Marj, Bab, Raph, etc. Nakausap ko buddy ko para sa buddystuff. Ang saya ng Block 14 nung Comm 3. Tas bonding sa MSU after. Tas bonding ng iMed sa Paz Mendoza corridors. At si Diosep at Patreng, who would've thought? :P

I'm piling up little happinesses! And working hard, too. Comm 3! Chem 14! Bio 22! :D

Labels: first day, giddy, happy, imed, new semester

Saturday, November 08, 2008
10:37 AM
kring! kring!

Nakalimutan ko!

Napanood ko na yung A Very Special Love at My Only U nung Tuesday! Wahaha. Ang pangit ng My Only U. I sweaarrr. Pangit ending. At shallow. Limited yung pwedeng plot. Hindi din nagandahan si Kim. Pareho namin napanood nung Tuesday, pero hindi kami nagdate. Hahaha.

Napanood ko din sa wakas yung A Very Special Love. Para pag nakita ko si Wengky sa pasukan, proud na ko. HAHAHA. Grabe! Ang Edgar ni John Lloyd/Miggy!! Super. As innnn. Parehong pareho sa pagkatay sa min sa STR 1 at 2!! OMG. Tawa ako ng tawa. Sana kasama ko nanood nun si Popo, or si Kim, or si Angelica, or si Angel! Tafaleeeennnggg. HAHAHAHA. Kaso di ako mashado naggwapuhan kay John Lloyd. At ang weird manamit ni Sarah Geronimo. XD

Pero, much much much better naman ang A Very Special Love kesa sa My Only U. Sana naki-House Bunny nalang din ako sa iMed kesa My Only U. :)))

Labels: A Very Special Love, My Only U, TAFALENG love


10:11 AM
kring! kring!

Competitions are so strong nowadays.
Sometimes we need to be ahead of other people..
.
.
.
.
Merry Christmas iMed.

Wahahaha. Galing kay Diana kagabi. Nagulat ako kasi usually announcements at good lucks ang tinetext nya. Ang sweet talaga ni Diana. Haha. Maaga ang Pasko sa Imed. ;)

Anyway. Apparently, UP One Earth pa rin ako. Kahit hindi ako nakaka-attend ng general assemblies. May nagtext kasi na may activity sa November 25, at kailangan ng t-shirts na babayaran sa November 10. Kaso Monday yun. Tuesday pa klase. Tsk tsk. Hahaha.

Friday. Nagshopping kami ng Mum ko. Buong araw. Hahaha. Tapos! Nakita ko si Andre sa SM Pampanga. Super oblivious ako, tas may bigla lang nagpatong ng kamay sa shoulder ko, ngumiti, tas nagmano sa mum ko. Edi alam ko na na former classmate ko siya sa Peninsula, lahat kasi kami nagbbless sa parents ng isa't isa. Haha. Kahit sa parents ni Christiyanak. XD Kaya pati si Stephen (at Michelle) nagmamano sa parents ko. Wahahaha. May dance contest daw friends nya kaya sila andun. Natuwa ako super kasi, naisip ko kung ako yung unang nakakita sa kanya, hindi na siguro ako lalapit kasi nahihiya ako. Feeling ko kasi (dati) shinushun ako ng former classmates ko. Ewan. Feel ko lang. Kaya most likely hindi ako magiging ganun ka-friendly. Pero, siya. Walang hesitation. At that time, my heart was leaping. Parang, bigla kong naisip na I have this lot of friends na tinatake for granted ko. Pero sila, on the other hand, ay tintreat parin akong kaibigan. Ang saya.

Tapooos. Hinahanap namin yung Crocs sa SM. Tumawag Dad ko, malapit daw sa ACE Hardware. So nagtanong kami sa cashier kung saan ang ACE Hardware. Nag-discuss sila for like a minute. Tapos. Sabay sila nagturo ng north and south directions! Super magkaiba! Sabay pa silang, "Doon po!" Napatitig na lang kami. HAHAHA. Tas nagconcede yung girl cashier person. "Ay opo, tama po siya." Tas yung guy na tagatatak ng receipts and stuff, nakaturo pa rin. Tapos, tinitigan ko siya with pursed lips na "Ows?" Tas tumawa kami pareho sa kanyang embarassment. "Oo! Doon talaga yun!" HAHAHAHA. Tama naman pala siya. :))

May stuff na ko - clothes, bags, pens and notebooks. Yaayy. Hahaha. Gusto ko na talaga magklase. High school uniform day daw sa first day. Hindi kaya nakakahiya maglakad sa buong UP at PGH nang naka-mustard yellow table cloth? At mga fifteen siguro kaming nakaganun. XD Hm, tas may La Salle, Assumption, Pisay Bicol, Pisay EVC, Pisay anong-Pisay-sina-Kent?, at iba pa. Ang weeeiiirrrddd. Pero may poll na. Ano kaya magiging result?

At gusto ko narin mag-Pasko. Naisip ko kahapon, pano ko kaya papadalhan ng Christmas cards sina Kent, Mark, Raphael, Marj, at yung iba pang malalayo. Edi pagdating sa kanila, Valentines' na. HAHAHA. XD

Labels: back to high school, Christmas, imed, Peninsula, shopping, UP One Earth

Wednesday, November 05, 2008
9:52 PM
kring! kring!

Hitotsu Dake
One word. RELIEF.

Relief dahil enrolled na ko. Matatanggal na paa ko.
Relief dahil nakakuha ako ng matinong GWA.
Relief dahil naretain ko scholarship ko. Hoorayyy for us, Jimpo!
Relief dahil November ELEVEN pa classes, hindi SEVEN. Hahaha.
Relief dahil natauhan na si Kyle. Sa wakas naman. Bothered pa rin si Non. Hahaha.
Relief dahil narealize ko na masaya ako sa Block 14. Salamat Giselle, Jimpo, Paul, and Ian for today.
Relief dahil hindi ako Block 13. Nyahahaha, joke lang.

Haaaay, salamat!

Warning. Rants halos lahat ng sumusunod. Hahaha.

Napaltos heels ko dahil sa renewal ng Oblation. Grabe! Plain BUREAUCRACY! Yung Certificate of GMC, galing din sa OSA. Tas OSA din magrereassess. Ttttttt! Tapos, magbabayad ka lang ng P20 para makakuha ng certification of good moral character?? Pano nila malalaman, aside from wala kang incident reports?? Grrrr. Bureaucratic requirement lang talaga siya. Tapos, yung certification na true copy yung grades namin, kailangan din bayaran? Sa OUR. Tatatakan lang nila yun eh. Ttttttt! Ang sungit pa ni Ate/Kuya Perli sa CM. Tapos, wala pang 12nn sarado na sila for lunch break; hinabol pa namin. Tapos pabalik-balik kaming OUR at CM. Papaputol na nga namin paa namin ni Paul sa sakit kanina eh. Ang baho pa sa PGH. Tas parang summer pa. Ang iniiit. Hahahahaha. Reklamador.

Sabi ni Ate Macy, masanay na daw kami. Ganito raw every sem. Thankful naman ako dahil P104.50 lang binayaran ko, at nakasave ako ng almost 40k. Pero, ibang klase namang inefficiency meron ang UP. Pano naman si Raph, kung kukuha siya ng GMC tas pababalikin the next day. Or may one day lang magenrol dahil galing pa siyang Mindanao. Or si Angel, kung bawal magtanong kay Ate Perli kung pano mag-enrol.

Buti tapos na, for this sem. :P I'm so relieved.

Anyway. Nanalo si Obama. I'm glad. After ko mapanood yung Give us us free! movie. Hahaha. Yung Amistad. Naiyak ako dun. Well, di siya masyado related. Haha. Still, feel ko sa election na to, naprove na ng US na democratic nga sila. At significantly nang nabura ang racial discrimination. Pati Africans nagrerejoice. This calls to mind To Kill a Mockingbird. And Atticus Finch, Scout, Jem and Tom Robinson. How racist the South back then was. Nagrerejoice ang buong mundo. Hahaha, joke. Si Carlo at David ayaw kay Obama. :P

Nagpost si Kuya Pito, may Hum 2 field trips daw sila last sem. Dalawa. Yung isa sa Angono. Yung isa hindi naman daw considered na trip kasi "lulundag lang" sila, andun na sila sa CCP. Hahahaha, funny. May field trip din kaya ang Hum 1? :P Sana magklase naaaa. Paz Mendoza na halos lahat ng classes namin except labs! Maraming salamat, College of Medicine! Hahaha. Kaya lang, kailangan namin magteleport pag Mondays from CM to GAB. lol. At nakakainggit ang Blk 13 dahil as in lahat ng classes nila sa Paz Men na. Kami may Hum at Chem pa ata sa CAS. At maganda sked nila. Hindi kailangan ng class teleport. Hahaha. Naiimagine ko na kaming tumatakbo sa loob ng PGH papunta sa next class. Hahahaha.

Right now. As in right now. Mahal na mahal ko si Non. Salamat! Hahahahaha.

Nagkakatuwaan ang iMed ngayon sa stat msgs sa YM. Laugh trip! HAHAHAHA.
Giselle: "I love you."
Albert: "Thank you for loving me."
Karina: "[gah, I love you] Naglalaro." Wahahaha. :))

Labels: dead tired, enrolment, imed, YM

Sunday, November 02, 2008
6:31 PM
kring! kring!


List all the names that you were called by and the people who call you that. Tag at least 11 members of your contacts.

Karina - by most people

Kring - mga chummy sa Pisay and iMed, at times sa bahay

Kat - tawag sakin dati ni Gippo and other Garnet people

Psst, Oy, Ching - at home, Popolin, Angelica

Katie, KT - Michelle

Tere, Chikita - Andre

Teresa - Sir Angeles

Ms. Santos - Mam Gavino <3, Sir Tafaleng <3, Mr. Bromeo, Mr. Dimaandal, Mr. Malijan

Mina - Sarah, Popo, Gippo, Garnet after manood ng Doll Master

Syau Ning "small person" - Tricia, Nikye, Aly, Popo, Angelica, Sir Taf <3, Cesium. Kitchen God's Wife! "Yangsele!" Hahaha.

Dao dao - Joseph Chu, Aly, Nikye, Tricia, Popo, Cesium

Buckles - Ian dear

Meredith - Ian Landrito

Karina bakla - Aaron bading

Karina pandak - Lendl, many others

Karina labs - Kim labs

Karina jebs - Sarah pwet, Pau tot, Mittsu butthole

Kringkring bakabaka - Patreng, Ian, Zim, Albert

Santokanina - Carlo

Thumbkarina - Lendl

Little Thumbelina, Little Little Mermaid, Little Cinderella, etc. - Lendl

Idiot - Vien

Bully-lit - David Bully-zard

Labels: bored, nom, sembreak

Me

A carbon-based bipedal lifeform descended from an ape! Nyek, corny.

I'm a mere bundle of contradictions who loves:
Literature
Classical Music
Astronomy
Books
Friends
Writing
Nature
Life!

Archives


# February 2006
# May 2006
# July 2006
# August 2006
# September 2006
# October 2006
# November 2006
# December 2006
# February 2007
# March 2007
# April 2007
# May 2007
# July 2007
# August 2007
# October 2007
# December 2007
# January 2008
# February 2008
# March 2008
# April 2008
# May 2008
# June 2008
# July 2008
# August 2008
# September 2008
# October 2008
# November 2008
# December 2008


Links



Popolin
Popo LJ
Angel
Aly Dear
Nikye
Aaron bading
Yssa-chan
Kring-Reinier Fans Club
HAHAHAHA.

IMSLP Music Library
Masaya sundan ang notation na di mo kaya gawin. HAHAHAHA.

Ano pa ba? :-/

Speak


Cbox'); cboxwin.document.write(''); cboxwin.document.write(''); cboxwin.document.write('Cbox needs frames!'); try { x = screen.width; y = screen.height; cboxwin.moveTo(Math.max((x/2)-100, 0), Math.max((y/3)-190)); } catch (e) {}; } Pop up my Cbox