friday. extraordinary day. 7.30 outreach sa PCMC. nasira pala yung ring ko kaya gumawa si kyle ng bago. tapos naglakad lang kami papuntang PCMC, kasama si mam dinah at sir vlad. ang cute ni sir vlad. hehe. tapos nung nasa hospital na, naggroups of three at inassign na sa rooms. room 112 kami nina kyle at jay. nung una, ang awkward. kasi parang nalulungkot ako sa dami ng maysakit. tapos yung isa pang bata, si robert, may mask something pa. nalaman namin later na may tumor siya sa ulo. si max oli, yun ata name nia, pag pasok palang namin umiiyak na siya. tapos nung binigyan ni kyle nung flash na action figure, tumahaan siya, tapos nung kinuha na ni kyle, umiyak ulit! ahahaha! tapos paikot ikot ako kasi naghahanap pa ako ng toys. nag-away si Alex at Max dun sa scooter ni "Barbie." grabe. pero si Ate Maricris, ate namin ni jay kasi july 2, 91 birthday nia, mahilig sa books. buti super daming books ni ellie na walang ibang kumuha sa grav. masaya talaga siya nung binigay namin lahat yun sa kaniya. ^__________^ si Robert din binigyan namin ng poccahontas na comics na binabasa niya hanggang umalis kami. nakakatuwa. si alex din nakakaaliw kausapin. si max lang talaga yung mejo challenging. grabe, andami kong ginawa para tumahan siya. pero hindi effective. kasi pag tatahan na siya, dadating si kyle. tas iiyak siya ulit. haha. joke. pero nakinig siya dun sa snow white story ni kyle. ang cute. kami pinakalate dumating sa activity center dahil nga sa aking napakalaking effort patahanin si max. T________________T" sharing sharing sa activity center tapos uwian na. sobrang amazing nung feeling ko after. pero sobrang napagod din ako. heehee. math homework cramming tapos STR peer evaluation. ambait ni sir taf nun. ^___________^ ah isa pang amazing. may mga galing atang Pisay Bicol Campus na pumunta sa Pisay, tapos natripan ni kyle mag-usher. heehee. shempre sama ako. tapos may nabefriend akong Cesium 09, si Terence. hehe. 30 lang sila sa isang batch at Cesium at Lithium lang sections ng 3rd year. cool, eh? basta ayun. pumunta sila sa caf para kumain at hinintay ko sina kyle at jay habang nagmmeeting sila nina chuck at sir vlad tungkol sa teenpreneur. tapos paskorus practice sa second floor pero nagmass na lang kaming buong grav dahil wala daw tao sa ASTB. wala ngang tao. kami lang. hehe. tapos nacancel din kasi walang priest. tapos party na. ah. inayos pala namin yung chairs at nakabuhat ako ng isang stack. yehey. naggames at nanalo ang grav sa isang game. yehey! tapos na-emo at naiyak si kyle, hinanap namin siya sa buong pisay ni jay. nasa caf lang pala sila ni gab. tapos ayun, nag-usap kami sa may front tungkol sa humanitarian stuff (kasi nga natrigger yung malalim na pag-iisip ni kyle nung marinig naming may sumabog sa glorietta) tapos nagpunta kami sa oval, at nakita yung crush naming tatlo. hehe. tapos dapat sasabihin na sakin ni kyle kung bakit siya umiyak pero late na at madami daw kami. andun din kasi si carlo at olav. kaya nagsuper speed mode na siya. 5:30 na non. nagsuper speed mode din ako later nung sinabi sa kin ni yssa na hinihintay na ko ng mum ko sa dorm. naiyak ako pag-uwi dahil sa sinabi sakin ni jay. grrr. jay. nakakainis ka. >_________________<