may kuwento ako.
kahapon kasabay ko si Kyle umuwi. tapos sabi ko sabay kami pagpasok this morning. kasi yun last week accidental meetings lang yun. ngayon planned. sana. 7am kami magmmeet. tapos narealize ko na malabo yun usapan namin. saan kami magm.meet at ewan ewan. kasi dati nagkikita kami sa may Quezon Ave na.
so kanina pumunta ako ng 6:55am sa MRT station. kaya lang hindi ko siya nakita. eh andun na yun train. kaya umalis na ko. >__________< stupid. tapos first thing na ginawa ko sa Pisay, hinanap ko siya. pero wala pa siya. tapos naisip ko na baka hinintay niya nga ako, pero baka hindi naman siya maghihintay ng isang oras. sobrang mali akooo. tapos mga 8am, nakita ko siya. after ko siya makausap,
gusto ko na mag-disappear.
mamatay.
matamaan ng kidlat.
maging bato.
kasi. hinintay niya nga ako. sa GMA station. for ONE HOUR.
andun siya ng 6:50am pero hindi kami nagkita. at hindi ako naghanap. hindi ako naghintay. stupidstupidstupid.
motto pa naman ni kyle, "Time is gold." sabi pa din yun ni James at Rose-ann. tapos. tapos. ako. sinayang ko yun time nia. naghintay siya. worse. hindi ako dumating. grabeee. i'm so stupid. so ngayon may parusa/debt pa ako sa kanya. gold or equivalent value. nag-iisip pa ako. huhuhu. >__________<
pero kanina bati na ata kami. tapos amazing amazing. kasi may pick-up si carlo. ay ay! tumugtog pala sila kanina ng Accidentally in Love sa Math Intersection. pero kabado ata sila. haha! andaming mali. lol. okay lang yun! :)) may band name na rin ata sila. pero pangit. haha.
magaling si Paolo! Moringga! Idol! Time After Time tinugtog nila. :) anyway. ayun. umuwi ako ulit today. tapos, nagddrive si Carlo! naamaze talaga ako. kasi kaming apat, tapos si Carlo yun nagddrive! tapos ang fun ng music. anlakas. at pang-asar sa kin. haha. tapos una, hahatid namin si Kyla sa kanila. pero nung nandun na kami, naisip ni Kyle na magdinner kami sa kanila. sa Antipolo! haha. pero okay lang sana kasi may car naman si Carlo at ihahatid niya naman kami after. sinabi na ni Kyle sa dad nia na magluto ng madami yung mom nia. pero sadly, sobrang hindi ako pinayagan. as in, "Umuwi ka na. Now." odiba. kaya hinatid nila ako sa Francesca. sa condo. mga six na yun. medyo napagalitan ako pero naiba yung usapan dun sa nag-talk sa min sa Physics Symposium. kuya kasi eh. buti na lang. :)) hindi na rin sila natuloy kasi pinauwi na din si Carlo. tsk. next time daw. exam week. yaaay! :))
ayun. weird day. kasi it started super duper badly. went so-so. and ended happily. whoa.
ah. rainbow connection! beautiful but sad song. i'm posting it. :)